Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkatapos ng Pagpapalit ng Tuhod: Pagkontrol ng Pamamaga

Karaniwan ang pamamaga pagkatapos ng pagpapalit ng buong tuhod. Maaari itong malalaa pagkatapos ng ehersisyo. Para makatulong sa pagkontrol ng pamamaga, sundin ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba.

Lagyan ng yelo ang iyong tuhod

Ibalot ang isang pakete ng yelo o bag ng nagyeyelong gisantes sa isang manipis na tela, at ilagay ito sa iyong tuhod. Huwag gumamit ng yelo nang higit sa 20 minuto sa bawat pagkakataon. Kung mayroon kang makina ng yelo, gamitin ito ayon sa itinagubilin.

Itaas ang iyong binti

Itaas ang iyong binti na mas mataas sa iyong puso. Itanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ang tungkol sa mga ligtas na posisyon para gawin ito.

Igalaw ang bukung-bukong

Leg from knee down showing ankle pumps. Bandage on knee.

Ipagpatuloy ang paggalaw ng bukong-bukong. Tumutulong ang nga ito na mabawasan ang pamamaga, mapabuti ang sirkulasyon, at maiwasan ang mga pamumuo ng dugo. Ituro, at dahan-dahang ibaluktot ang parehong paa. Ulitin ito 10 hanggang 30 beses bawat oras.

Compression stocking

Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pagsusuot ng compression stocking. Tutulong ito sa pagkontrol ng pamamaga. Maaari ding makatulong ito na maiwasan ang mga pamumuo ng dugo.

Online Medical Reviewer: Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Date Last Reviewed: 7/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer