Pag-unawa sa Pagkagumon
BIG: Ang pagkagumon (ang pangangailangan ng paggamit ng substance o ang lagi o biglaan pag-uugali) ay nalilinang sa pagdaan ng panahon. Kaya ito ay hindi agad napapansin. Subalit habang lumalaki ang iyong problema, ang pagkakataon na mawala ang lahat ng mahalaga sa iyo ay dumarami rin. Walang sinuman ang nagplano na magumon at walang sinuman ang nagplano na mawala ang pamilya, kaibigan, trabaho, kalusugan, at respeto sa sarili—subalit ito ay maaaring mangyari.
Ang Dagok sa Iyong Buhay
Ang pagkagumon ay makakaapekto sa iyong mga relasyon, sa iyong trabaho, at sa iyong kalusugan. Sa madaling salita, sa iyong buong buhay.
Ang relasyon mo sa iyong pamilya at kaibigan ay magbabago habang ang iyong kinagawian ang siyang nagiging prayoridad mo. Maaari mong hanapin ang mga taong kapareho mong nagugumon. O maaari kang maging mapaghinala sa mga tao, mas pipiliin ang "samahan" ng iyong pagkagumon sa halip na ang mga taong kilala mo. Ang ugaling ito ay makakasakit sa lahat ng nakapaligid sa iyo.
Ang iyong trabaho at relasyon sa mga katrabaho ay masasapanganib kapag ikaw ay nagumon. Ikaw ay magiging hindi maaasahan at hindi maingat, na nakakadagdag sa pagkakataon ng aksidente na may kinalaman sa trabaho.
Ang iyong kalusugan ay malamang na bumagsak habang ang iyong problema ay lumalaki. Maaari ka ring maging lalong nalilito o napapagod. Ang iyong tiwala sa sarili ay masasapanganib. At, sa pagdaan ng panahon, ang iyong pagkagumon ay maaaring humantong sa malubha, maaaring nakamamatay, na karamdaman.
Ang Proseso ng Pagkagumon
Subukan mo ito
Kapag sinubukan mo ang nakagugumon na substance o kaugalian sa unang pagkakataon, kadalasan ito ay dahil sa katuwaan o nagkataon lamang. Ang iyong unang reaksyon: masarap ang iyong pakiramdam, mas napapahinga, at malamang mas sikat.
Susubukan mo ito uli
Sa susunod na pagsubok ng nakagugumon na substance o kaugalian, maaaring mas alam mo na ito sa iyo—gaya ng isang kaibigan na nagbibigay ng kapahingahan, kaginhawaan, at nagugustuhan ka.
Plapanuhin mo nang gawin ito
Sisimulan mo na ang pagplano ng paggamit ng substance o pagsasagawa ng kaugalian. Iisipin mo ito kapag ito ay wala sa iyong tabi. At maaari kang mapalapit sa mga taong gusto rin itong gawin.
Lalo na itong gagawin
Kapag ikaw ay nagumon, lalo mo nang gagamitin ang substance o gagawin ang kaugalian—kadalasan patago, kadalasan nag-iisa. Ngayon uubusin nito ang iyong oras at enerhiya—at makikialam sa iyong buhay.
Ikaw ay Maaaring Magumon Sa:
-
Ilegal na droga tulad ng kokaina
-
Legal na droga tulad ng sigarilyo, alak, at mga iniresetang medikasyon
-
Mga Pang-araw-araw na aktibidad tulad ng paggawa, pagkain, at pakikipagtalik
-
Malayang aktibidad tulad ng pagsusugal, panonood ng telebisyon, at paglalaro ng computer games